Ang Amnesty o Amnestiya ay isang opisyal na pagpapatawad ng gobyernong UAE para sa mga OFW na lumagpas lamang sa kanyang VISA.
Hindi ito para sa mga may kasong:
- Bounced checks
- loans
- children born out of wedlock, ang mga bata na napanganak na hindi pa kasal ang magulang
- Theft
- Iba pang may kaso sibil
Tandaan:
Ang Gobyerno ng UAE ay nangangailangan ng sampung araw o 10 days bago ang applicante ng amnestiya ay payagan na lumabas ng bansa.
Ang Embasiya ng Pilipinas at ang Consulada ng Pilipinas ang mag poproseso ng inyong mga tiket. Hindi sila mag rerefund ng tiket na kayo kumuha.
Ang gustong maiwan sa bansa ay nangangailangan sila gumastos sa sarili. Pwedeng kumuha ng temporaryong anim na buwang visa.
Para sa mga gustong umuwi sundin lamang ito.
Kung valid pa ang iyong passport (hindi expired)
1. Pumunta sa Embassy ng Pilipinas para sa mga Abu Dhabi Visa o sa Consulada ng Pilipinas pag Dubai saka sa mga Northern Emirates para mag apply ng amnestiya at mabibigyan ng tulong pinancial.
2. Pumunta sa amnesty center para makuha ang iyong exit pass.
Ang amnesty center ay depende sa iyong visa.
- Al Shahama Amnesty Centre: kapag Abu Dhabi Visa
- Al Ain Amnesty Centre: Kapag Al Ain Visa
- Al Dharfa Amnesty Centre: Western region Visa
- Al Aweer Centre: Kapag Dubai Visa
3. Bumalik sa Embassy o Consulada ng Pilipinas at ipakita ang iyong exit pass.
4. Kunin ang refund sa paggastos ng iyong exit pass sa embassy o consulada.
5. Pwede ng maghintay sa balita sa Embassy o Consulada para sa inyong araw na paglipad.
6. Pwede ka ng umuwi ng Pilipinas pag natawagan kana.
Kung ang passport ay nawala o naexpired na
1. Pumunta sa Embassy ng Pilipinas kapag Abu Dhabi Visa, sa Consulada ng Pilipinas kapag Dubai Visa o ibang rehiyon sa norte ng bansa para kumuha ng iyong one-way document.
2. Mag-apply para sa amnesty at humingi ng tulong pinansyal.
3. Pumunta sa amnesty center para makuha ang iyong exit pass.
Ang amnesty center ay depende sa iyong visa.
- Al Shahama Amnesty Centre: kapag Abu Dhabi Visa
- Al Ain Amnesty Centre: Kapag Al Ain Visa
- Al Dharfa Amnesty Centre: Western region Visa
- Al Aweer Centre: Kapag Dubai Visa
4. Bumalik sa Embassy o Consulada ng Pilipinas at ipakita ang iyong exit pass.
5. Kunin ang refund sa paggastos ng iyong exit pass sa embassy o consulada.
6. Pwede ng maghintay sa balita sa Embassy o Consulada para sa inyong araw na paglipad.
7. Pwede ka ng umuwi ng Pilipinas pag natawagan kana.
0 Comments:
Post a Comment